sept.28
wew. may ilaw na. buti nalang naka pag type pa ko nung 26 at 27 bago mamatay yung laptop.
madaming putik pa din. asar. pero thank God wala na sa loob ng bahay, sa labas nalang.
ang iniisip ko lang yung sa pagpasok ko sa weds. puting puti damit ko tas ang dadaanan ko putik.
amp talaga.
so ayun, balik sa pagpapala. nagkasugat na palad ko kasi ang kapal talaga ng putik.
parang pag naglakad ka sa putik, instant parang may medyas ka na!
nakapanood na din kami ng tv dito, grabe yung nangyari sa rizal, marikina, atbp.
brown na brown yung baha.
salamat sa mga tumutulong at mga prayers, whew! naniningil na talaga si mother nature satin
pinaparamdam na sa atin na sumosobra na tayo, oras ng tumigil tayo at mag-isip ng paraan
kung paano tayo makakatulong sa ating kalikasan.
[at infernes, hirap pa ding makakuha ng signal dito, load at wala pa ring internet D:]
Saturday, October 3, 2009
may kuryente naa~ [bagyong ondoy cheber]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment