sept. 27
epal na yan. ang hirap maglinis na iniwan ni ondoy. PUTIK!
so todo bayanihan kami ng bongga. oh diba.
parang nag general cleaning na din kami sa ginawa namin. kahit sa kasuluksulukan kasi
may putik. [hirap nun infernes ah. cheber na yan]
sa aking paglilinis, nakita ko yung mga nawawala kong gamit
yehey! dapat papala bumaha bago ko makita yung ibang gamit ko. kung saan-saan ko kasi nakita
ang bilis ng oras sa akin ng araw na yun. sobrang busy kasi. nakakapagod.
hindi ko alintana yung init [wala pa kasing kuryente nun, at tirik na ang araw]
gabi na, pahirapan sa paghanap ng kandila sa mga tindahan.
may mga ibang nananamantala, kamusta naman ang 10php na kandilang normal size [yung sunod na laki
sa kandilang pang tawas] wew talaga. pasamalat ako sa bamabam at nagtext siya at tumawag [OMG!]
kaso hindi ko din narinig boses niya kasi hirap sa effin signal banas!
buti nalang nagka-ilaw ng bandang 10pm yehey! kaso hirap pa din sa signal ampotato.
Saturday, October 3, 2009
bye bye bagyong ondoy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment