okay. im not a twitard [people who loves twilight]. pasintabi sa mga twilight fans dyan
all i want in twilight saga is their powers, not the humanXvampire loveteam [wtf]
it's sooo 2000late. forbidden love and everything.. oh c'mon give me a break.
i admit, i love fantasy stories. i really do, but twilight saga.. hmm. it's out of the line SORRY.
NOW..
RENT is my twilight.
reality is there and it's musical :))
- all kinds of love. gay love, lesbian love, hetero love and materialism. [i guess i'm between materialism and hetero love *laughs*]
- when every street there's TRICK or TREAT [even though it's not Haloween]
- drugs everywhere
- and fighting for life [fighting for aids]
NO OTHER ROAD
NO OTHER WAY
NO DAY BUT TODAY
Tuesday, October 27, 2009
RENT is my TWILIGHT
Thursday, October 22, 2009
Saturday, October 3, 2009
terminal 3 adventure
oct.02
ayan dumating na si tito maingay nanaman dito sa bahay ahaha :)) kulang na kulang ako sa tulog pero ayos naman.
sulit haha. maganda ang terminal 3. may mga stall pa ng pagkain. ayos! :D sayang nga lang sa katapusan ko pa
makukuha yung contacts ko. whew. hahaha pero ayos na din. yahooo~!
ayan si bagyong pepeng naman ang papadating
badtrip naman na mga bagyo yan, hindi pa nga bumabalik yung internet namin may papadating nanaman.
infernes may magandang balita ngayon. ayon sa *insert name of school*, pwede kaming mag civilian kasi
kasama kami sa mga affected areas dahil kay ondoy. yehey!
ay muntik ko ng malimutan, nung nakalabas ako papuntang terminal 3. grabe yung marikina. there are trashes everywhere.
for sure it stinks lalo na sa bayan. huhu. pumanget na marikina.
i wish di masyado malupit si pepeng.
at baka maka pag type nanaman ako dito ng "*insert foul language*"
hahahaha!
Godbless~
bumalik na ang signal ng globe :D
sept. 29
okay.. binalita sa tv na walang pasok hanggang saturday
[yehey!] kaso masama din kasi wala akong baon. at next week is a special week for me [kaso hindi
ata ako makakapunta waaaaa~ T.T] sobrang boring dito saa bahay nako. bukas siguro
ischeschedule ko ang sarili ko na magpala nalang kasi sobrang boring. mag-aaral nalang siguro ako
sa sat. or sunday. badtrip kasi hindi ko agad mapopost to kasi walang internet :((
kung sa signal naman, okay na din yahoo! wala nga lang mapapaloadan.
medyo na touch naman ako sa mga tumutulong [OMG!] sa mga kapwa naming nasalanta.
amp. naman, hindi kami nabibigyan ng goods dito. kawawa din naman ang Bgry. Banaba no.
pero ayos na din atleast tumutulong na sila sa ibang mas malala yung lagay.
sana bumalik na sa dati. huhu.. ang mahal ng pagkain dito, parang ginto D:
at sana sagutin ng insurance yung tsikot namin kasi sayang talaga.
pagdating naman sa lablife ko. wala lang. ayun, parang lantang gulay pa din. gusto ko
talagang pumunta sa birthday niya! it's his 21 birthday pa naman. na touch din ako sa
sinabi niyang importante ako dun at ipapakilala na niya ako [ZOMG!] kaso
kulang ang effin time ko, gusto ko ngang magcut, kaso ayaw niya. haaaay..
ano kaya mangyayari next week. sana wag masyado malala. nakatanggap na ko ng kamalasan this week.
tama na~ T.T
ingats ingat guys~
Godbless!
may kuryente naa~ [bagyong ondoy cheber]
sept.28
wew. may ilaw na. buti nalang naka pag type pa ko nung 26 at 27 bago mamatay yung laptop.
madaming putik pa din. asar. pero thank God wala na sa loob ng bahay, sa labas nalang.
ang iniisip ko lang yung sa pagpasok ko sa weds. puting puti damit ko tas ang dadaanan ko putik.
amp talaga.
so ayun, balik sa pagpapala. nagkasugat na palad ko kasi ang kapal talaga ng putik.
parang pag naglakad ka sa putik, instant parang may medyas ka na!
nakapanood na din kami ng tv dito, grabe yung nangyari sa rizal, marikina, atbp.
brown na brown yung baha.
salamat sa mga tumutulong at mga prayers, whew! naniningil na talaga si mother nature satin
pinaparamdam na sa atin na sumosobra na tayo, oras ng tumigil tayo at mag-isip ng paraan
kung paano tayo makakatulong sa ating kalikasan.
[at infernes, hirap pa ding makakuha ng signal dito, load at wala pa ring internet D:]
bye bye bagyong ondoy
sept. 27
epal na yan. ang hirap maglinis na iniwan ni ondoy. PUTIK!
so todo bayanihan kami ng bongga. oh diba.
parang nag general cleaning na din kami sa ginawa namin. kahit sa kasuluksulukan kasi
may putik. [hirap nun infernes ah. cheber na yan]
sa aking paglilinis, nakita ko yung mga nawawala kong gamit
yehey! dapat papala bumaha bago ko makita yung ibang gamit ko. kung saan-saan ko kasi nakita
ang bilis ng oras sa akin ng araw na yun. sobrang busy kasi. nakakapagod.
hindi ko alintana yung init [wala pa kasing kuryente nun, at tirik na ang araw]
gabi na, pahirapan sa paghanap ng kandila sa mga tindahan.
may mga ibang nananamantala, kamusta naman ang 10php na kandilang normal size [yung sunod na laki
sa kandilang pang tawas] wew talaga. pasamalat ako sa bamabam at nagtext siya at tumawag [OMG!]
kaso hindi ko din narinig boses niya kasi hirap sa effin signal banas!
buti nalang nagka-ilaw ng bandang 10pm yehey! kaso hirap pa din sa signal ampotato.
adventure kay bagyong ondoy
sept. 26
ulan ng ulan. ang chever. pagkagising ko umuulan pa din, kumain muna ako pagkatapos ay naglaro ng
dota sa laptop. ginagamit kasi yung desktop nila joyce sa pagfafacebook.
hindi ko namalayan na binabaha na yung labas ng bahay namin sa ulan.
naririnig ko nalang yung mga boses ng mga tao na pinapasok muna sa gate namin [lalo na
yung mga babaeng my mga anak] binigyan namin sila ng konting tulong kasi ang kanilang itsura
ay talagang nakaka-awa na.
lumipas ang mga oras, ang bahay namin ay pinasok na ng baha. takot ang nararamdaman namin nun
dahil sa 36 years na pamamalagi ng lola at lolo namin dito, ay ngayon lang ito nangyari.
ang mga extensions, plugs, lahat ng mga naka konekta sa kuryente ay inayos na namin.
pinatay agad ang mga fuses para walang makuryente, at di nagtagal ay sinarado na ang dumadaloy
na kuryente sa buong barangay namin.
itinaas sa second floor ang lahat ng kayang iakyat namin. libro, computer, tv, atbp.
pasalamat nalang kami at hindi gaanong tumaas ng husto ang baha sa aming tahanan.
ang huling measurement na natandaan ko sa baha sa loob ng bahay namin ay hanggang binti, ngunit
paglabas ko ng bahay o pagpunta ko malapit sa aming gate ay hanggang pwet na ang tubig.
ang baha sa amin ay galing sa ilog, na ang tubig na galing ilog ay galing sa bundok. maputik.
nakita ko ang mga ugat-ugat, kawayan, at lahat ng makikita sa ilog na dumadaan na sa kalsada.
inaanod na sila ng lakas baha.
pagkatapos ng ilang oras ay nawala na ang baha sa aming bahay.
nagtulong tulong kaming tangalin ang naiwang putik dahil sa baha. kamalas malasan,
lumubog ang kalahating parte ng tsikot namin.
[for sure, ipapahatak na si saudi boy OMG!! WAG SANA]
[INSERT FOUL LANGUAGE]
p.s.
saudi boy = our ford focus huhuhu T.T