mahal ng inang kalikasan,
magandang araw po sa inyo aming Inang kalikasan. maraming salamat po sa inyong liham. lubos po akong humihingi ng kapatawaransa pagiging iresponsable namin sa kapaligiran na ipinagkaloob nyo sa amin. nadama ko po ang inyong damdamin ukol dito at alam ko pong nasaktan namin kayo. sana po ay makabawi kami sa inyo.
lumalala na po ang pagkasira ng kalikasan sa patuloy na pagunlad ng teknolohiya pati na rin sa sarili naming kagagawan. nais ko pong tumulong sa inyo upang maisalba ang kalikasan. nangangako po akong magtatapon na sa tamang basurahan at ibubulsa ang mga maliliit na kalat. nais ko rin pong magtanim ng mga halaman at puno sa aming bakuran dahil alam ko pong sobrang malaking tulong po ito sa hangin at pagsipsip ng tubig baha.
sa pagpunta ko po sa mga fast foods ay magdidine-in nalang ako kapag hindi kailangan at hindi na kukuha ng straw dahil nakakadagdag po sa inyong plastic na nagkakalat sa kapaligiran.
ang mga nasabi ko pong pangako ay aking mga dating gawi na at tutuparin ko po iyon dahil may malasakit po ako sa inyo at mahal na mahal ko po kayo.
nagmamahal,
AKO
Tuesday, January 19, 2010
liham ko sa ating inang kalikasan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment