Sunday, January 31, 2010

stupidity.

define stupidity?
> A.K.O

arggh! kainis talaga kahapon parang ewan lang.
niyaya ko siyang pumunta, but in the end sinabi kong wag na siya pumunta dahil lang sa 2 walang ka kwenta-kwentang bagay.

1. sayang pera niya
2. baka busy siya

but in the end mura lang pa ang entrance and PAPUNTA na pala siya.

ARGH! IM SO FREAKIN' STUPID. IM THE BIGGEST MORON IN THIS WORLD. >.<
nandun na eh. makikita ko na siya, biglang lumabas yung pagka-NANAY epek.


hanggang ngayon inaatake pa din ako ng GUILITYNESS ko. :((

Tuesday, January 26, 2010

a dream ish a wish you heart makes? oh shuddap ._.

argh. kainis .. bakit ganun? i had a dream, actually kanina-nina lang. tas napanaginipan ko siya, may kasama daw siyang iba at ang saya saya pa nila. at take note nakita ko pa sila sa isang cubicle na may karaoke [parang timezone ata yung lumalabas nun]. kasama ko nun si Pat and other friends na di ko na tanda kung sino. dumaan kami sa cubicle nila tas nakita ko si girl [kung sino man yun] na nakahiga sa lap nya while singing. so ako parang shocked nun, idk why. pinagtawanan nalang namin nung nakita namin yun, pero deep inside sakin parang nasira yung mundo ko. HAHAHA at ang nakakatawa pa dun, kumanta pa ako ng “bakit nga ba mahal kita” tas biglang tawa na maya maya nagdrama na.

ANU BA YAN! bakit ako nagkakaroon ng panaginip na yun, nakalimutan ko na siya, wala na. parang friends nalang ulit kami pero bakit sa panaginip na yun nasaktan ako ng bongga? mukhang abnormal naman yun ._.

Tuesday, January 19, 2010

liham ko sa ating inang kalikasan

mahal ng inang kalikasan,

magandang araw po sa inyo aming Inang kalikasan. maraming salamat po sa inyong liham. lubos po akong humihingi ng kapatawaransa pagiging iresponsable namin sa kapaligiran na ipinagkaloob nyo sa amin. nadama ko po ang inyong damdamin ukol dito at alam ko pong nasaktan namin kayo. sana po ay makabawi kami sa inyo.

lumalala na po ang pagkasira ng kalikasan sa patuloy na pagunlad ng teknolohiya pati na rin sa sarili naming kagagawan. nais ko pong tumulong sa inyo upang maisalba ang kalikasan. nangangako po akong magtatapon na sa tamang basurahan at ibubulsa ang mga maliliit na kalat. nais ko rin pong magtanim ng mga halaman at puno sa aming bakuran dahil alam ko pong sobrang malaking tulong po ito sa hangin at pagsipsip ng tubig baha.

sa pagpunta ko po sa mga fast foods ay magdidine-in nalang ako kapag hindi kailangan at hindi na kukuha ng straw dahil nakakadagdag po sa inyong plastic na nagkakalat sa kapaligiran.

ang mga nasabi ko pong pangako ay aking mga dating gawi na at tutuparin ko po iyon dahil may malasakit po ako sa inyo at mahal na mahal ko po kayo.


nagmamahal,
AKO