isa itong mensahe para sa ating lahat. babae, lalake, pati na ang mga batang paslit.
ang nagkwukwento dito ay isang lalaking nasa edad na 50 years old. ngunit sa kanyang itsura, mukha na siyang 85 years old. kinukwento niya kung gaano kahalaga ang tubig at ang hangin noong 2070 (sa panahon niya). ang mga sinusweldo ng mga tao doon ay isang bote lang ng tubig.. hindi pera. MAS mahalaga sa taon na iyon ang TUBIG at ang HANGIN. nawala na ang inaakala nating unlimited supply ng tubig at ng hangin. pareho na silang naging kontaminado; kahit ang mga researchers ay hindi makahanap ng paraan kung paano makakagawa ng malinis na hangin at tubig. isa siya sa mga taong nabuhay ng nakakalanghap ng malinis na hangin at tubig. ngunit hindi niya yon inintindi. bagkus, hinayaan lang niya ang mga babala noong mga panahon na iyon. sa huli, nagsisi siya. hindi naranasan ng kanyang anak ang pagkakaroon ng malinis na hangin at tubig.
http://www.slideshare.net/nolimit2it/a-letter-from-the-year-2070)
Ito ay hindi isang prediksyon, ITO AY ISANG BABALA.
may magagawa pa tayo upang huwag itong mangyari.
pagkatapos kong mabasa ang slideshow na to, kinilabutan ako.
isa ako sa mga taong walang nagagawa para mapanatili ang kalinisan sa ating mundo. tumama sakin ang slideshow na ito. SOBRA! :((
oo! mahilig ako sa ating kapaligiran. sumasaya ako pag may nakikita akong mga kulay berde sa aking paligid pero ano ang sinusukli ko. ang magtapon ng basura kahit saan!
sa kanal, sa bangketa, at kung saan saan pa!
kahit may mga review na nagsasabing hindi ito mangyayari sa atin, may posibilidad namang ang ating hangin naman ang maapektuhan, ang ating lupa, ang hangin na ating nalalanghap sa araw-araw.. natakot ako. sino namang matinong tao ang hindi matatakot sa ganitong bagay? :(
kaya hinihikayat ko kayong iligtas natin ang ating inang kalikasan habang maaga pa.
walang pagsisisi ang nasa umpisa, laging nasa huli
0 comments:
Post a Comment