Ako at isang batang nagngangalang Gladys. isang batang nagtataglay ng isang pangarap na mahirap makamit. si gladys ang panganay sa tatlong magkakapatid. mahirap at dukha ang aming pamilya, at alam kong ang aking munting pangarap ay tagilid dahil dito. ngunit, subalit,datapwat, hindi ako nawalan ng pag-asa. naniniwala ako sa kasabihang "behind the clouds... there are airplanes".
lumipas ang panahon at ang balat mo'y kumulubot, akalain mo yun! walang swerteng dumating sa aming pamilya. akala ko ang mga napapanood ko sa pelikula ay tulad din sa totoong buhay. mahirap sa una pero pag nag-laon ay yumayaman. mga tanga lang siguro ang mga naniniwala sa ganung bagay. pero kahit ganun pa man, di ako sumuko. nag-aral akong mabuti at tuwing sabado at linggo ay pumapasok ako sa isang mayaman (at mayabang) na haciendero sa Laguna. nagsusuot ako ng isang uniporme na ayon sa kanya ay required, natandaan ko tuloy ang aking nasabi sa kanya nung ibinigay niya ang uniporme na yon.
"oh, eto ang uniporme mo dito simula bukas", sabay bigay sakin ng uniporme
gusto kong sabihin na masaya ako dahil makakapagtrabaho na ko bukas ngunit ng makita ang uniporme
"alam nyo ser, im gla- this?" (alamat ni gladys)
napaenglish ang lola. mahirap man sa loob ko, ang unipormeng iyon ay kailangan para maabot ang pangarap ko. "ang makapagtapos ng pag-aaral at maging isang doktor"
gwapo at makisig na binata ang aking amo. actually, siya ang first love ko, dream boy. kaso dahil sa kanyang kayabangan, hindi ko siya natiis. pagkatapos ng ika limang sweldo ko ay nagpaalam na ako at naghanap ng swerte sa iba/ habang naghahanap ng bagong papa este trabaho ay naalala ko ang aking dating amo.
"sayang, bat ko pa kasi siya iniwan"
iyon ang mga salitang tumatakbo sa maliit kong kokote ng oras na iyon.
hanap ako ng hanap ng trabaho pero wala pa ding swerte. napagod at nagpahinga na ako sa ilalim ng isang puno. di ko namalayang nakatulog na pala ako.lumipas ang oras at ang dahon ng puno'y nalagas, nagising ako, ginising ako ng dati kong amo.
"oh ser, anong ginagawa niyo dito?"
lumakad ng 3 hakbang pasulong ang hambog na ito.
"gusto kong bumalik ka sa bahay. pangako hindi na ako magiging masama sa inyo"
biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya yon. nasabi ko tuloy sa sarili
"siya na talaga ang prince charming ko. kailangan kong pumayag"
"eh ser, bat ayaw niyo ng bagong katulong?", pa innocent epek pa ang bruha.
"kasi... ikaw ang gusto ko".
BOOM!!
at bigla akong nagising ng tuluyan.panaginip pala ang walang hiya. wala na nang prince charming at trabaho, pagod at gutom pa. tsk,
totoo nga ang kasabihang nakalakihan ko.
"Behind the the clouds, there are other clouds"
pesteng buhay to!
---ang kwentong nabasa niyo ay hango lamang sa kokote ng bruhang ito :D
0 comments:
Post a Comment